Sorry ngayon lang nakapag-post. Sobrang hina ng internet sa province dito. Huhu. CHAPTER 65 DAHLIA’S POV NAPATINDIG ako nang makita kong gising na si Valentino. Lumapit ako sa kaniya saka ko siya kinausap. “Valentino?” ngiting banggit ko sa pangalan niya. “Dahlia.” Akmang babangon siya ngunit pinigilan ko ito. “H’wag ka munang bumangon.” Tumango siya sa akin na sa palagay ko naramdaman niya ang kirot sa bandang dibdib niya no’ng tamaan siya ng baril dito. Sabi ng doctor kanina na malayo sa puso ang tama kaya medyo napadali ang operasyon. “Kamusta pakiramdam mo? May kirot pa rin ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi ko maramdaman ang kirot dahil kasama kita