CHAPTER 60 DAHLIA’S POV “OMG! Sa amusement park tayo?” gulat na tanong ko sa kaniya pagdating namin dito. Ngumiti lamang si Zane at hinawakan niya ang kamay ko papuntang ticket booth. “Alam kong mag-e-enjoy ka dito, Dahlia,” aniya sa akin pagkuwan ay bumili siya ng dalawang ticket. “Unlimited rides tayo ngayon. Takot ka ba?” tanong niya saka umasim ang mukha ko dahil wala talaga akong kinatatakutan kahit horror rides pa ‘yan. “Hindi ako takot ‘no! Saka ang tagal ko nang di nakakabisita ng amusement park. Bakit mo pala alam na ito ang gusto kong puntahan? Dakila talaga kitang stalker ‘no?” Marahang tumawa si Zane saka siya muling nagsalita. “Sadyang sinabi lang ni Nanay Elsie sa akin mga hilig mo. Ang astig mo palang kasama.” “Akala nga nila magiging tomboy ako paglaki ko dahil mga