CHAPTER 5 DAHLIA’S POV “Hohemji! Ma-la-late na ako!" sigaw ko nang makita ko sa wall clock ang orasan. Kaagad na bumaba ako ng higaan at nagmadaling nagtungo sa CR para maligo. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Nanay Elsie na halatang kagigising niya lang. “Sandali lang, Dahlia. Unang araw mo ngayon?” Tumango ako saka nagtungo sa lababo para mag-toothbrush. “Ay naku kang bata ka! Ba’t di mo sinabi sa akin na ngayon na pala ang unang araw ng pasok mo? Nakapag-pump ka na ba?” Patango-tango ako kay Nanay habang nagmumumog ako ng tubig saka ko nilabas iyon. “Tapos na ako nag-pump kaninang madaling araw. Natulog ulit ako kaya late na ako nagising." “Ah, gano’n ba? Oh, siya gawa na lang ako ng sandwich para sa baon mo ngayon.” “Mabuti pa nga po. Salamat, Nay.” Nakita ko muli ang or