CHAPTER 10 DAHLIA’S POV NAPAATRAS ako sa inuupuan ko kaya napasandal ang likod ko sa bintana ng sasakyan. “Ano? Girlfriend? Ako?" “Yes. Girlfriend.” “Teka nga po, Sir Valentino. H-hindi ko naman alam po alam na ganito ang gagawin niyo sa’kin. Sana man lang nagsabi kayo ahead bago niyo ako dinala dito. Eh, ang mahal-mahal ng damit ko. Edi sana di ko na lang tinanggap.” “Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang damit na ‘yan?” “Gusto. Pero kasi—” “Double ang sahod mo ngayon first month mo pag papayag ka. Look, I just need to convince my dad na may girlfriend akong ihaharap sa kaniya para matapos na ang ginawa niyang advertisement.” Napakunot-noo ako sa sinabi niya dahil iniisip ko kung anong advertisement ang sinasabi niya hanggang sa naalala ko ang sinabi sa akin ni Miss Vivian. “Yun ban