This chapter is dedicated to Josephine Peredo Pines. Thank you for reading, sis! *** CHAPTER 44 3RD PERSON POV “BUSOG NA AKO,” malamig na sabi ni Valentino saka umalis ng hapagkainan. Di pa nakakalayo si Valentino ay sinundan siya nito ni Don Mariano hanggang sa mapunta sila sa sala. “Valentino!” galit na tonong tawag nito sa pangalan niya. Tumayo si Zane at pinahid ng napkin ang bibig niya. “Wala akong ganang kumain,” aniya saka nilisan ang dining area. “Teka sandali! Sayang naman itong hinanda namin!” sigaw ng mommy niya ngunit hindi nito dininig ni Zane at nagpasya siyang sundan ang dalawa. Nang malapit na siya sa sala ay mabilis siyang nagtago sa pader upang marinig ang usapan ng dalawa. “Bakit, Dad? Why are you forcing me to marry that woman? Hindi ko siya mahal!” protesta