Chapter 51

2579 Words

CHAPTER 51 DAHLIA’S POV BAGSAK ang balikat ko habang naglalakad ako pauwi ng bahay dahil di pa rin mawala sa isip ko na posibleng si Zane ang ama ni Jayden. Kaya ba palagi siyang bumibisita sa bahay? May alam kaya siya tungkol do’n? Pagpasok ko sa loob ay nakita kong karga ni Nanay Elsie si Jayden. “Mabuti naman at nakauwi na kayo ni Jayden." “Oo, hija. Ah! Ito pala ang gamot na nireseta ng doktor kaniya,” ani Nanay nang ibigay sa akin ang isang maliit na papel. “Sige po bibilhin ko ang mga gamot ngayon, baka bukas pa ang botika sa kabilang kanto, lalabas lang ako,” tugon ko nang tanggapin ko ang reseta pagkuwan ay agad na umalis ng bahay. Hindi naman ako nabigo pagdating ko ng botika dahil ilang minuto na lang ay magsasara na sila. “Pabili po ng gamot na nakalista dito,” wika ko s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD