CHAPTER 53 3RD PERSON POV PAGKABABA ni Vivian ng kotse ay agad siyang pumasok sa venue upang hanapin si Dahlia. “Nasimula na ba ang event?” tanong niya sa isang staff. “Kanina pa po Miss Vivian nagsimula.” Huminga nang malalim si Vivian dahil late na siya, inuna niya kasing i-compile lahat ng mga ebidensya tungkol kay Jayden. Kailangan niyang makausap si Dahlia ngayon para sabihin na ang totoo sa bago pa i-announce ang kasal nina Valentino at Jessa. “Sige salamat!” Pagpasok niya ay agad na nilinga niya ang paligid ngunit di niya mahanap si Dahlia. “Nasa’n na kaya siya?” aniya sa isip pagkuwan ay muling hinanap ito. Ilang sandali pa ay nakita niya si Valentino kaya nilapitan ni