This is dedicated to Cha, thank you for reading sis! Pasensya na sa delay kasi nawalan kami ng internet at aywan ko ba pag data lang gamit, di nabubuksan 'yong Stary Writing Site/App, may bug ata. CHAPTER 18 DAHLIA’S POV TIKOM ang bibig ko habang nasa byahe hanggang sa nakarating kami ng bahay. Walang imik akong bumaba dahil nahihiya nang maalala ko parati ang sinabi ni Zane sa akin. Natantuan kong bumaba rin siya ng sasakyan at tinawag ako. “Dahlia, wait!" Napahinto ako at walang emosyon na lumingon sa kaniya. Okay naman si Zane, kaya lang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. At ayoko rin masira pagkakaibigan namin kaya hindi ko ‘yon magagawa sa kaniya. “Please don't change your treatment of me in any manner. I can still wait for your answer, kahit magtaon pa ‘yan.” Ayoko rin p