Julianna Gabi na, at sinusubukan kong huwag abalahin ang isipan ko sa kung ano ang ginagawa ni Jercie at Claire sa mga sandaling ito. Nagawa ko iyon kaninang iniwan nila kami sa living area. Pati na rin noong kumain kami ng hapunan nang sabay-sabay, hindi ko na sila pinagtuonan pa ng pansin kahit magkatabi sila sa harapan ko. Pero ngayong nasa kuwarto na ako at tahimik na ang paligid, hindi ko mapigilan ang isipan ko sa pag-iisip tungkol sa kanila. Mas sila pa ang umuukopa sa isipan ko kaysa sa fiancé ko na aalis bukas. Malinaw namang dito maglalagi si Claire, at wala akong ideya kung hanggang kailan. Sinabi iyon ni Jeraine kanina habang kumakain kami. Walang naging pagtutol ang mag-asawa. Maging si Jercie ay mukhang ayos lang na rito muna mag-stay ang ex-girlfriend niya. Sa katunaya