Julianna Pagkatapos naming makabili ng mga sapatos ay nag-aya na si Jercie sa isang mamahaling restaurant upang makakain kami ng lunch. Ayaw niya sa mga restaurants na matatagpuan sa loob ng mall. Ang gusto niya ay iyong exclusive talaga. Kahit noong nagtungo kami sa Seville, dinala niya ako sa isang restaurant, at doon kami sa chef's table kumain, kung saan nakikita namin kung papaano iniluluto ang mga gusto naming kainin. Jercie was kind of meticulous when it comes to food. Iyon ang napagtanto ko nang marinig ko siyang nakikipag-usap kay Manang Cecily noong isang araw. Doon ko lang din nalaman na kahit hindi si Manang ang nakatoka sa pagpe-prepare ng mga pagkain dahil may personal chef sila sa mansiyon, siya ang naghahanda para sa kakainin ni Jercie at ng Daddy nito--pati na rin ang