Chapter forty one ALEXIS POV’S Ilang oras na rin kaming nandito, ni walang nag aabot ng pagkain sa amin, may balak ba silang pataying kami? Pinipilit parin ni Hibari na matanggal yung tali sa kamay ko, alam kong malapit na niya itong matanggal Iniwan na kami ni Jessel dito matapos niyang makipag usap kay Gab, kaya hindi niya napansin ang pagkakalas ng tali ni Hibari, pero biglang tumigil si Hibari ng pagtanggal ng tali ko nang mapansin niyang may papasok dito sa loob ng silid na to “mamaya na lang” bulong niya Hinintay lang namin kung sino ang papasok Si Jessel lang pala at ang mga tauhan niya at may dala dala silang pamalo? Balak na ba talaga niya kaming mawala dito sa mundo?, pero nagulat ako nang may nakita akong lalake, at hawak hawak nila ito sa braso, habang nakatali ang dalaw

