DX POV. SA ilang araw pa lamang ng aking bakasyon ay marami ng nangyari sa buhay ko. Ang dating tahimik kong buhay sa military ay biglang nagkagulo gulo. Nagsimula iyon sa break up namin ng aking fiancée. “Pinsan, kaya naman pala natutuliro ka ay talaga namang napakaganda ni Jasmine.” Sa aking narinig ay napalingon ako sa parating na babae. At hindi ko agad siya nakilala sa kanyang ayos. “Hey! General Deanz Xander! Hoy! Wala na natulala ka na riyan huh!” “Ha? May sinasabi ka ba, Princess Martha?” “Ay wala po General, ang sabi ko ay pwede na tayong umalis. Kasi naririto na ang dewata ng kariktan.” Pang-aasar ng pinsan ko habang pakindat kidat pa sa akin kaya kumilos na ako. “Let’s go…. “Oh, akala ko nasa labas na kayo at naghihintay sa tapat ng main door?” akmang sasagutin ko si