"Wala kang lugar sa puso ni Delta dahil ina ka lang ng anak niya kaya siya nasa tabi mo. Nakalimutan mo na ba na wala sa plano niya ang salitang kasal at sakali man na magpapakasal siya ay hindi ikaw iyon! Diring-diri nga siya sayo, isa kang gold digger b***h sa paningin niya. Girl, gumising ka sa kabaliwan mo! Tandaan mo isa siyang Montemayor!" Napailing siya dahil sa samo't saring kuro-kuro na nagsulputan sa isipan niya. Masakit tanggapin ang katotohanan lalo at inamin na niya sa kaniyang sarili na mahal na mahal niya ang ama ng kaniyang anak at magiging anak. Buntis na naman siya sa ikalawang pagkakataon. Hanggang saan ang kaya niya? Kaya't habang maaga pa ay kailangan na niyang kumilos. Ang tanong kaya ba niyang iwan ang anak na si DX? Papaano ang batang nasa tiyan niya? Mauulit na na