“Wow! Daddy Uncle, ang laki po talaga ng mansion n'yo. Pwede po ba akong maligo sa pool?” “Syempre naman, isa ka sa may-ari ng mansion na ito. Lahat ng Montemayor ay pwedeng pumasok, maligo, matulog, tumira at kumain dito.” Pagkababa ng kotse ay agad na tumakbo si DL papasok sa malaking bahay. Hindi na hinintay ni DL na makababa rin ang ina at tiyuhin. “Hey! Kiddo s-sinong kasama mo bakit ka nakapasok dito?” nautal na tanong ng kasambahay. “My Mom and how about you? Taga-rito ka ba?” tanong nito. “Yes, ikaw?" Kaso hindi na nakasagot ang batang tuwang-tuwa sa paligid dahil dumating ang isa sa mga ama niya. Bata ito ngunit kitang-kita sa mukha ang katalinuhan. May mukha siyang naaalala sa batang nasa harapan niya. Amo niya ang quadruplets kaya't kilala niya ang bawat isa. “Manang, pak