"No, baby! Hindi-hindi mangyayari iyon. Dahil mahal na mahal kita. Mababaliw ako kapag nawala ka sa buhay ko. Ikaw ang ina ng mga anak ko kaya't magsasama tayo hanggang sa pagtanda natin. Maaring magkahiwalay tayo iyon ay kung patay na ang isa sa atin. Pero hanggang nabubuhay tayong dalawa ay hinding-hindi ako papayag na may ibang papalit isa man sa atin. Hindi naman ako mahilig mangako dahil kadalasan ay napapako. Pero lalaki ako at minsan hindi iyan maiwasan but promise hinding-hindi ako magmamahal ng iba. Kayo lang ng mga anak natin ang buhay ko at nag-iisa rito sa puso ko. Walang sino man ang makakapalit sa iyo. Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat para makaiwas ako sakaling may darating na tukso." "Talaga, dahil puputolin ko na lang iyan kapag maghanap ka pa ng iba," serys