JACOB POV "WHERE ARE YOU GOING KUYA." nagulat ako ng biglang lumitaw sa harap ko si Ari. "May mahalaga lang akong pupuntahan." Dahilan ko. Naningkit ang mata niya at parang hindi naniniwala sa akin. "Really?" I nodded. "Yes, so please umalis ka sa daraanan ko." Mahina ko syang Tinulak. Hinabol ako ni Ari hanggang sa kotse. "Sama ako Kuya." Sinamaan ko ng tingin si Ari. "No, stay here." Nagpapadyak siya na parang bata kung umasta. "Kuya! Sama na ako." Pag-pupumilit niya. "Ari, listen. Hindi ako mamamasyal lang sa kung saan. Importante tong lakad ko. Kung hindi pa ako aalis ngayun baka hindi ko na sila maabutan." Inis na saad ko. "Okay!" Masayang aniya. Sobrang weird talaga ng kambal ko. Biglang paiba-iba ng mood. Umalis na ako. Tinawagan ako kahapon ng private investigator ko. Ang