LEI POV "ANG ganda naman ng anak ko." Ningitian ko si Mommy althea. Nasa hotel Room kami. Ngayung araw ang kasal namin ni Jacob. Tinotoo talaga niya ang balak na magpapakasal kami kaagad. Kakatapos lang ako lagyan ng make up. Ginawang romantic updo with flowers ang buhok ko. Nakipagbeso ako kay Mommy althea. Ilang minuto na lang ay ikakasal na ako sa taong mahal ko.. "Mommy ano pa ang ginagawa mo dito pumunta na tayo ng Church." Sumunod pala si Ari kay Mommy althea. "Umiiyak ka na naman." Sita sa kanya ng anak. Natawa ng bahagya si Mommy althea. "I'm sorry hindi ko mapigilang maluha kasi magiging legal na Manzano na si Lei." Yumakap ako kay Mom. "Ako din mom. Sobrang saya ko." Lumapit sa akin ang make up artist ko. Sinabihan ako na kailangan ko ng isuot ang wedding gown ko. Lum