LEI POV "SAAN BA TAYO PUPUNTA?" Tanong ko ng makababa ng hagdan. Inakbayan ako ni Marco. "May importante tayong pupuntahan. Kailangan kita kaya, huwag ng maraming tanong." Umangat ako ng tingin. "Kilala kita Marco. Alam kong SIYA ang pupuntahan natin." Umirap ako at nagkibit balikat. Malakas syang tumawa dahilan para lumayo ako sa kanya. Para akong nabingi sa lakas ng pagtawa niya. May narinig akong tumikhim kaya doon nabaling ang atensyon ko. May ngiti sa labing nakatingin sa amin si zhaira na katabi si Jacob. Masama na naman ang tingin sa akin ni Jacob. Sanay na rin ako sa trato niya sa akin. Hindi na bago sa akin to. Binalingan ko si Marco. "Magpapaalam lang ako kay Dad." Iniwan ko muna sila. Habang naglalakad papunta sa Office ni dad ng biglang may humawak sa braso ko. N