LIMANG-BUWAN ang lumipas mula nang ipanganak ko ang panganay namin na anak na si Luke. Sa loob ng limang buwan na iyon ay napuno ng saya ang hirap sa pagpupuyat naming mag-asawa. Gayunpaman, hindi mapapalitan ang saya namin dahil kompleto na ang pamilya namin. “Halley, tuloy ba ang lakad mo bukas?” tanong ni Nanay sa akin. Nasa silid kami ni Luke at binabantayan namin siya. Tumango ako. “Oo, kailangan kong makipagkita kay Mr. Tan dahil gusto niyang gawin pelikula ang sinulat kong kuwento.” Simula nang mag-resign ako sa trabaho. Pagsusulat ng kuwento ang naging libangan ko habang nasa bahay. “Bakit hindi mo na lang ibigay sa kumpanya ng asawa mo para hindi ka mahirapan?” Umiling ako. “Nay, gusto ko may magawa naman ako sa pamilya namin. Ayokong laging umaasa sa kanya.” “Sabagay, mag