Lucas, may pupuntahan ka ba mamayang gabi?” tanong ko sa kanya habang nagbibihis siya ng damit, patungo sa opisina. “Depende kung may biglaang meeting. Bakit?” tugon niya, hindi man lang tumingin sa akin. Umiling ako. “Wala naman.” “Gusto mo bang kumain sa labas?” tanong niya. Umiling ako muli. “Magluluto na lang ako ng hapunan natin mamaya. May gusto ka bang ipaluto sa akin?” Ngumiti siya nang bahagya. “Kahit anong lutuin mo, kakainin ko naman.” Gusto ko lang makasigurado kung pupunta siya sa birthday ni Savana mamayang gabi. Ilang araw na akong pinipilit ni Savana na pumunta sa birthday party niya, pero hindi ako makapagdesisyon dahil ayokong pumunta nang mag-isa. “Sige, ingat ka sa pagmamaneho,” sagot ko. “Thank you.” Hinatid ko pa siya hanggang sa kotse niya. “Kung may gusto