Chapter 49 Kasama ko ang mga magulang at kapatid ko habang patungo kami sa bahay nila Melissa para umattend sa homecoming party niya. Hindi naman matigil sa pag-uusap ang mga magulang ko tungkol sa biglaang pagdating ni Melissa. Kahit daw ang mga magulang niya ay nasurpresa nalang nong umuwi siya sa bahay nila. "That kid really love surprising her parents." Natatawang pahayag ni daddy na nasa backseat kasama si mommy. "She does! Napaka-independent na nong batang iyon." Sang ayon ni mommy. Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni kuya Tristan na siyang nagmamaneho ng sasakyan ngayon. Mas ginusto niyang siya nalang ang magdrive kaysa sa magpadrive pa siya sa mga driver namin. Nagulat din si kuya nang malaman niyang umuwi na sa bansa si Melissa. Agad niya akong tinawagan kaninang umaga para la