Chapter 39 Naka-upo ako sa passenger's seat ng sasakyan ni Mishari habang nakatingin sa daan patungo sa Tulane Gym kung saan sila maglalaro ngayon. After ng mga klase namin ay agad na kaming umalis sa university kahit na 7PM ang start ng game nila. Para na din makapag-warm up daw muna sila. Nauna na din 'yong mga kaibigan namin doon. At hindi biro-biro ang pustahan nila dahil medyo malaki-laki iyon. 20 thousand daw ang napag-kasunduan ng magkabilang panig. Mahilig naman kasi sila sa mga ganoon. Kahit nga sa NBA Finals ay nakikipag-pustahan sila. Last year nga ay ipinusta ni Marion 'yong Hilux niya at natalo siya dahil naka Golden State Warriors siya. Pero parang wala namang kwenta iyon sakanya. "May mga kilala ka sa kabilang team?" Tanong ko kay Ari na nagda-drive. Hindi pa ito nagpapal