Gamit ang aking palad ay mabilis kong pinahid ang luha ko na diretsong naglandas sa pisngi ko. Bago pa makabalik si Kristian ay mabilis ko nang naipatong ang cellphone sa mesa at saka naman ako huminga ng malalim. Narinig ko rin ang pagbukas ng pintuan at nang lumingon ako ay nakita ko ang hingal ngunit nakangiting si Kris. Papalapit siya sa akin dala ang binili niyang mga gamot, "Inom ka na ng gamot." Mahinahong sabi niya habang masaya akong pinagmamasdan. Tumango ako, hindi ko alam kung nahahalata na ba niya ang namamasang mata ko. Ininom ko na nga ang mga gamot para sa mabilis na paggaling ko. Hindi na ako makapag hintay na bumalik na sa normal ang lahat, 'yung tuluyang nang babalik ang mga alaaala ko sa nakaraan. "Nandito lang pala ang cellphone ko... Akala ko ay nawawala.." Nata
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books