"Ma? Okay ka lang po ba?" Tanong sa akin ni Ian. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang anak ko. Kakatapos ko lang kasing magluto ng pang-hapunan namin. Heto, may naiisip ako. May gumugulo sa isipan ko pero hindi ko naman kayang maipaliwanag kung ano. "Mama... Kamusta po ang work mo?" Tanong pa sa akin ng baby ko na si Ian habang nakayakap sa akin. Hinalikan ko naman ang noo niya, "Maganda ang naging unang araw ko sa trabaho, anak.." Ngumiti naman siya, "Friend na po ba kayo ni Kuya Kristian?" Napatawa ako sa tanong niya, "Nakiki-kuya ka na rin ngayon ah?" "Eh kasi... Sabi niya po sa akin ay Kuya daw po ang itawag ko sa kanya." Ilang saglit pa ay dumating na ang asawa kong si Nick. "Kamusta ang asawa ko? Ang first day?" Nakangiting tanong niya pagkatapos na magdikit ang la