"Kumain ka na muna, Kalleah.... Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo," Sabi ng kaibigan ni Kalleah na si Gizelle. Nasa canteen kasi silang dalawa, breaktime. Hindi niya lang maintindihan kung bakit nawawalan siya ng gana na kumain. Ewan ba niya, siguro ay dahil marami siyang kinain na umagahan kanina? Siguro nga. "Hindi muna ako kakain, Gizelle. Busog pa talaga ako." Sagot na lamang niya sa kaibigan. Pagbalik nila sa classroom nilang dalawa ay naroon na ang teacher nila. Mabuti nga at hindi sila napagalitan dahil hindi naman sila masyadong late. Mabilis na natapos ang klase, kaya nagpaalam na muna siya sa kaibigan niyang si Gizelle. Nang makarating siya sa may parking lot ay nakita niya kaagad si Nanny Carol pati na ang driver niya, Nang makita siya ni Nanny ay agad siya nitong