I H E A R T T H I S G U Y NANG makasakay si Kalleah sa bus patungo sa Ilocos ay agad niyang sinilip ang kinaroroonan ni Kristian. Nananatili itong nakatayo mula sa kinapepwestuhan nito habang nakangiting nakatingin sa kanya. He mouthed, "I love you!" Natawa naman s'ya, "Love love love din kita! Byers!" Ani Kalleah habang paulit-ulit na kumakaway kay Kris, umaandar na rin ang bus, "Basta pupuntahan mo ako doon ah? Promise mo 'yan!" Tumango naman si Kris at saka kumaway rin sa kanya, "Don't talk to strangers, okay? Be safe." "Yup." Ani Kalleah. Tinitigan ni Kalleah si Kris na ngayon ay tila may pinupunasan na kung ano pa sa mukha nito. Muli sanang kakaway si Kalleah nang tuluyan nang makalayo ang bus na sinasakyan niya. Haaaay. Kusang lumabas ang luha niya sa hindi naman maipaliwana