Chapter 10 Tahimik na umagos ang luha ni Nathalia sa gilid ng kanyang mga mata. Iyon ang naalala niyang nangyari sa kanya sa piling ng mga San Andres at hindi niya namalayan na sa loob ‘yon ng halos isang buwan. She roamed her eyes in that vast room. Simple pero elegante ang kwarto at malamlam ang mga ilaw. Napapikit siya habang patuloy sa pagsigok. Nathalia”s resting her body on the very soft mattress yet still can’t ease all her pain and grief. Hindi niya matandaan kung sino ang tumulong sa kanila ng Manang Igna niya at kung nasaan siya ngayon dahil alam niyang wala siya sa ospital. At kung tama ang pang-amoy niya ay nasa kwarto siya ng isang lalaki at pamilyar na pamilyar sa pang-amoy niya ang pabango na nagkalat sa buong paligid, na sadyang nakadikit na yata sa bawat sulok ng kwart