Andrew's POV Kanina pa nag ri-ring ang phone nya pero wala syang balak sagutin yon, not because he is driving, but because he doesn't want to talk to Yna on the phone, he wants to talk to her in person, alam naman nya kung bakit panay tawag nito mula kanina, alam nyang itatanong lang nito kung may nangyari ba sa kanila dahil sa sobrang kalasingan nito wala itong maalala sa mga nangyari. Pagdating nya ng bahay kaagad syang umakyat sa taas, huminto sya sa harap ng silid ni Yna, marahil tulog na ito, kaya nagtuloy na lang sya sa silid nya bukas na lang nya ito kakausapin. Pagpasok sa silid kaagad nyang napansin na bukas ang ilaw sa side table. Napakunot ang noo nya ng may makitang nakahiga sa kama nya. Humakbang sya palapit, nakita nya si Yna na mahimbing na natutulog sa mismong kama nya