"We're here" Masiglang sabi ni Andrew. Ginala nya ang mga mata sa labas ng bintana ng kotse, tumambad sa kanya ang malaking bahay na yari sa salamin, mas malaki ng kaunti sa bahay nila sa San Miguel pero kung ikukumpara ang bahay nila sa bahay na nasa harapan nya ngayon ay maluluma ang bahay nila sa ganda ng pagkakagawa sa bahay na napapalibutan ng salamin. "Wow! this is beautiful" Bulalas nya at bumaba ng sasakyan. "Ikaw ba ang nag design ng bahay mo?" Tanong nya habang nakatingala parin sa dalawang palapag na bahay na may attic din na yari sa salamin. "Yes, that's my own design." May pagmamalaking sagot nito habang binababa ang mga gamit nila sa kotse. "May taste ka pala pagdating sa mga bahay ah." Biro nya rito at tinulungan sa pagbaba ng mga gamit nila, tatlong araw silang mananat