Kinabukasan Linggo, hindi sya kaagad bumangon dahil halos wala naman syang tulog sa kakaisip ng mga sinabi ni Andrew sa kanya, tungkol sa kalagayan ng asyenda at sa pagbili nito sa kanya sa halagang sampung milyon lang. Babayaran ko ang sampung milyon nya at palalayasin ko silang mag ina sa bahay na to! Bulong nya sa sarili habang nakatitig sa salamin, bakas parin sa mga mata nya ang pag-iyak magdamag. Paglabas nya ng kwarto sinulyapan nya ang guest room kung saan tumutuloy si Andrew, napansin nyang hindi sarado yon kaya lumapit na sya at sumilip sa loob kung naroon ba ito. Pero wala syang nakitang tao sa loob kaya minabuti na nyang pumasok sa loob at sinara ang pinto. Marahil nasa asyenda ito kasama ang Daddy nya. Ginala nya ang mga mata sa buong silid maayos ang kama na tila wala nam