***LAILEY*** “Sinabing labas!” Gigil na gigil at walang pag-aalangan si Lailey na ibinato sa kasambahay ang baso ng juice. Mabuti na lamang at mabilis na naiiwas ni Veron ang sarili. Hindi sa mukha nito tumama ang babasaging baso kundi sa dingding. Tumilamsik ang malagkit na juice sa kung saan-saan. “I can’t believe you, Lailey!” galit na wika ni Miss Erika pagpasok na pagpasok sa silid ng alagang nagwawala. Nakita nito ang ginawang iyon ng alaga. “Nasa hagdanan pa lang ako ay dinig ko na ang bunganga mo. What the hell is happening to you?!” “All I want is leave me alone!” mabalasik na wika ni Lailey sabay turo sa pintuan. “Alis!” Malalaki ang hakbang, lumapit si Miss Erika sa kanya at iniigkas ang palad. Walang anu-anong sinampal siya. “M-mommy Erika?” Noon lang din naman siya na