***LAILEY*** Mula sa bintana ng kanyang sasakyan na papunta sa bahay ng mag-asawang Ziegler ay namataan niya si Kabhy na kadarating lang din. At mukhang lasing. Napailing siya. Mukhang may balak talaga si Kabhy na sirain ang buhay nito. Mula nawala ang asawa ay naging mapanglaw na ang tahanan ng bilyonaryong si Kabhy Ziegler. Kahit anong pilit niyang kalimutan ang asawa ay hindi niya magawa. Kahit pa siguro laklakin niya ang lahat ng alak sa mundo ay sasabihin pa rin ng puso niya na miss na miss na niya si Mia. Katulad ngayon, lasing na naman si Kabhy. Wala na siyang ginawa kundi ang uminom. Kung saan-saan siya nakikipag-inuman. Kahapon ay sa babae roon sa Pegasus Bar. Lasing na lasing din sila. Sa sobrang kalasingan nga niya’y nakabayad siya ng 1.3 million sa bar na iyon. Hinayaan