***KABHY/DARION*** “Kumusta ang magagandang dilag sa mansyon na ito?” ngingisi-ngising tanong ni Miguel nang puntahan sina Veron at Aling Maring sa dirty kitchen. At dahil close na close na sila ay walang inililihim ang mga ito, lalo na kung tsismis na nasagap. Kahit na sobrang aga pa. “Alam mo ba, Miguel, nakita kong tinanggihan ni Sir Kabhy si Madam kagabi. Todo-akit ang bruha pero walang epek. Galit na galit. Tawang-tawa ako,” as usual nangunguna si Veron. Nagbabalat ito ng sibuyas. Natawa si Miguel. Umupo ito sa katapat ng dalagang kasambahay. “Talagang hindi na iyon tatabihan sa kama ni Sir Kabhy.” Ang matandang si Aling Maring ay iniwan na saglit ang ginagawang pagluluto. Nakiupo na rin. Animo’y may meeting sila na magaganap. “Sa tingin niyo ba ay hindi maaakit ng bruhang iyon