***EYRNA*** Hindi nga nagkamali si Eyrna. Natamaan nga ng alak si Revo. Ibinagsak na lang kasi nito ang katawan sa malambot na kama nang makarating sila sa kuwarto nila. Huli na nang pigilan niya dahil basa ito. “Hay naku,” iiling-iling na sandali niya itong tinitigan. Mabuti na lang at mukhang matutulog na. Nawala kahit paano ang kaniyang pangamba na baka makaisip na naman ito na galawin siya. “Eyrna, you love me don't you?” tanong nito pero habang nakapikit. Bumuntong-hininga siya. Nakaramdam siya ng awa. Pero hindi bale at susubukan naman niyang ibalik ang pagmamahal niya rito dati. Hanggang sa nagpasiya siyang asikasuhin ito nang mapreskuhan at makatulog nang tuluyan. Iyon ang nararapat dahil tinanggap na niya itong asawa. Isang taksil na asawa! sumbat nga lang sa kanya ng sar