***EYRNA*** Kasalukuyang nakasakay siya sa taxi papuntang Pegasus Bar. Inire-relax niya muna ang sarili sa pamamagitan nang pagpikit habang nakasandal ang kanyang ulo sa headboard ng kinauupuan. Pilit iwinawaksi ang problema niyang maging ghost singer ni Lailey Salvador. Wala na siyang magagawa dahil pumirma na siya ng kontrata. Ang kaso’y kung anu-ano ang tinatakbo ng kanyang isipan kaya nai-stress pa rin siya. At nang tumunog ang kanyang cellphone ay nakapikit pa ring sinagot. “Eyrna, papasok at kakanta ka ngayon, ‘di ba?” “Oo, actually ay papunta na ako riyan. Nakasakay na ako ng taxi.” “Mabuti naman kasi pupunta raw sina Gillian at kasama raw nila si Revo. Kadarating lang daw ni Revo galing States kaya nagyaya agad na pumunta sila rito.” Ang sinabing iyon ni Jasmin ang nagpamu