***LAILEY*** “What are you scheming this time, huh?” paninita ni Miss Erika nang mapansin ang kakaibang pananahimik ng alaga mula pa kanina dahilan kaya hindi niya ito maiwan-iwan at nagpasyang sa mansyon na rin ito matulog. “Wala, bakit?” nakairap na sagot ni Lailey. Mahinahon ang kanyang boses pero nanggagalaiti ang kanyang damdamin. Kanina pa nagwawala sa tuwing naalala niya ang pagpapahiya sa kanya ni Eyrna. “Your calmness in the moment. You were faking it, weren’t you?” “And why are you asking?” “Dahil alam ko ang kilaw ng bituka mo sa ganitong bagay. I know you're up to something and I'm worried.” Matamang tinitigan niya ang bakla. “Akala ko ba’y wala ka nang pakialam sa akin?” “O, come on. Babalik na naman ba tayo riyan?” “Nakakatampo lang kasi,” nakairap pa ring aniya. “