***EYRNA*** Pagkababa ni Eyrna sa eroplano sa Zambonga City ay maingat na sinunod niya ang sinabi ni Gillian upang makarating siya sa Bissang – lugar daw sa Zamboanga kung saan siya ay makikitira hanggang hindi namamatay ang issue nila ni Miss Lailey. At kapag safe na ang kanyang buhay mula sa mga kamay ni baklang Erika. “Cerrvantes! Cervantes! Lalarga na! Lalarga na! Last trip na ito!” sigaw ng kundoktor ng isang mini bus na nagtatawag ng mga pasahero. Tama lahat ang sinabi sa kanya ni Gillian. Mula sa pagsakay niya sa labas ng airport ng tricycle hanggang sa pagbaba niya sa bayan ng Suyo kung saan sasakay naman siya roon ng bus patungong Cervantes kung saan nandoon naman ang baryo Bissang daw. “Meron pa po?” tanong niya dahil may tatlong magkakaibigan na naunang sumakay sa kanya.