maghihintay ako

1607 Words
Hi guys? Kung merun man po na mali or error intindihin na lang po ninyo.. tatapusin ko lang po Ang kwento na ito para po maumpisahan ko na Ang kwento ni Aldrin Casimiro. Papakiligin at Papaiyakin po kayo ng kwento nila Ashley Buenave at Albert Casimiro.. happy reading guys. ****************************************** Isang linggo Ang lumipas nakalabas na si nanay sa ospital, Pero kailangan niya pa magpagaling si tatay naman ay nasa ospital pa, Ang kaliwang paa niya ay hindi pa mailalakad dahil grabe daw pinsala ng natamo nito, Puwede naman daw Kung ooperahan pero malaking pera ang kakailangin, Saan ko naman kukunin yun?naibenta ko na nga Ang trysicle ni tatay dahil wala ako mapagkukunan ng pambayad sa ospital, Nasa bahay na kami kasalukuyang inaayos ko si tatay sa wheel chair niya nung dumating si Michael nagulat ako kasi kasama niya si Aldrin. Sinenyasan ako ni Michael na siya na bahala Kay itay at kausapin ko daw si Aldrin, Sa kusina kami nagpunta dahil ayuko may makarinig kung ano man ang pag uusapan namin. ALDRIN; 'KAMUSTA KANA? KAHAPON KO LANG NABALITAAN ANG NANGYARI SA MAGULANG MO, MAY TAMPUHAN KASI KAMI NI KUYA KAYA HINDI KO PINAPANSIN YUNG MGA INTERNATIONAL CALL NIYA,, KAHAPON KO LANG DIN NASAGOT TAWAG NIYA KASI HINDI KA DAW NIYA MAKONTAK. KAYA SI MICHAEL ANG TINAWAGAN KO.. SABI NIYA IKAW NA LANG DAW KAUSAPIN KO" AKO; OK LANG AKO." matipid na sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. ALDRIN; "MAY PROBLEMA BA ASHLEY? UUWE NA SI KUYA BUKAS GALING KOREA MAY IMPORTANTE KASI SIYA INASIKASO DUN PARA SA FAMILY BUSINESS!" Hindi pa din ako umiimik Hindi ko alam pero parang naging bato na ang puso ko dahil sa nakikita kong kalagayan ng magulang ko, Nung hindi ko pa din siya pinapansin nagpaalam na ito na aalis na, Hindi ko pa din siya tinignan ayuko siyang tignan dahil naalala ko lang sa mukha niya ang dahilan ng paghihirap ng mga magulang ko, Mali!! Ako nga pala Ang dahilan!!! Pagkalabas niya ng kusina napahagulgol na ko ng iyak pakiramdam ko marami pa ako naiipon na luha, Para parusahan ang sarili ko! Biglang pumasok si Michael sa kusina at naupo sa harap ko, MICHAEL; "BEZ WALA AKO SINABI NA KAHIT ANO KAY ALDRIN DAHIL GUSTO KO SAYO MANGALING! PERO BASE SA PAGTATANONG NIYA SAKEN! NAGTATAKA SIYA SA PAKIKITUNGO MO SA KANYA! KAYA ALAM KO NA WALA KANG SINABI. KAUSAP NIYA SA PHONE KANINA SI SIR ALBERT NARINIG KO GALIT AT SOBRANG NAG ALALA SI SIR ALBERT SAYO" Tinignan ko si michael hindi ko pinansin Ang sinabi niya, AKO; "BEZ MAY TIWALA KA SAKEN DIBA?" MICHAEL; "OO NAMAN! KILALA MO KO!!" Buong kumpiyansa na sagot niya sa akin. AKO;! "LALABAN AKO!" MICHAEL; "BEZ.... Natatakot na tnong niya sa akin nginitian ko siya, Ako; "IBIG KO SABIHIN KAHIT GANYAN SILA NANAY HINDI AKO PANGHIHINAAN NG LOOB, "NAALALA MO YUNG TITO NI FRANS NA TALENT AGENCY? NA INAALOK AKO KUMANTA?" MICHAEL; PAANO PAG AARAL MO? AKO; "MAG AARAL PA DIN AKO! KAYA NGA SABI KO HINDI AKO SUSUKO DIBA?? KAYA KAKAUSAPIN KO SI FRANS BUKAS. PARA MAKAUSAP TITO NIYA PARA SA MAGIGING ORAS KO, PARA MAISINGIT KO SA PAG AARAL KO" Nakangiting Sabi sa kanya, MICHAEL; "BEZ PINAHAHANGA MO TALAGA AKO!" Namamangha niyang sagot sa akin, Maaga ako gumising kinabukasan. Naabutan ko si Nanay na inaasikaso si Tatay, "Inay kaya na po ba ninyo?" "Oo anak sige na kumain kana dun Wag ka mag alala mga sugat lang ito hindi ako baldado' Sagot niya sa akin hindi na namin pinag usapan ang nangyari na aksidente basta ang alam nila tinakbuhan sila ng nakabunggo sa kanila, Si tatay naman nakakausap na hindi tulad nung una pero Ang kabilang paa nito ay nanatiling paralasado, Nilapitan ko si tatay, 'Tay? Konting tiis lang po ha?" Ngumiti siya sa akin at inabot ang kamay ko na tinapik tapik naiiyak na naman ako pero bago pa ako humagulgol ng iyak nagpaalam na ko na may lakad kami ni Michael, Tinawagan ko si Michael na magkita na lang kami kila Frans, Michael; "bakit iba itong number mo bez?? Ako; save mo yan nagpalit ako ng number! Sabi ko na lang at pinutol ko na ang pag uusap namin, nagpalit talaga ako dahil kagabi ayaw tumigil ng international call saken, hula ko si Albert yun dahil nasa korea daw ito, pinatay ko Ang cp ko para tumigil na siya pero iniyakan ko yun magdamag, Nakausap ko na Ang tito ni Frans at pumayag naman siya Pagkakuha ko daw ng schedule ko sa school bigyan ko daw siya ng copy para maayus niya ang schedule ko.. Inaya kami ni Frans sa isang lugawan na nadadaanan ng mga sasakyan, malapit na kami matapos sa pagkain ng may humila sa kamay ko. Nagulat ako sa nakita ko Ang lalaking miss na miss ko! ang lalaking gusto ko yakapin ako sa panahon ng pagdurusa ko! Ang lalaking minahal ng batang puso ko! Ang lalaking pilit ko ng inaalis sa isip ko ngayun.. "Ashly mag uusap tayo!!" Madiin nitong salita saken Pero nagpumiglas ako,, Nakita ko ang kirot sa mata niya nakita ko pa ang pagod na pagod na itsura niya, makinis ang mukha niya nung huli kami nagkita, ngayun parang ilang araw siyang walang tulog may balbas at mga bigote na din na tumutubo sa kanya. Pero hindi naman iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. Albert Casimiro; pls ashly! Nahihirapan na pakiusap niya Tumingin ako sa dalawang kasama ko si francis nasa itsura Ang pagtataka, Si Michael pang unawa ang nakikita ko at tinanguan ako, Kaya sinabi ko mauna na sila,ayaw pa pumayag ni francis narinig ko pa na tinanong niya si Michael Kung sino ba si Albert at kung kilala ko daw ba ito. Hindi ko na narinig Ang sinagot ni Michael dahil pinasok agad ako ni sir Albert sa loob ng sasakyan. Habang biyahe tahimik kami panay sulyap ni sir Albert sakin na para bang mawawala ako, Hininto niya Ang sasakyan sa di kalayuan sa kanto namin at binasag niya ang katahimikan, Albert Casimiro; "baby nabalitaan ko nangyari sa magulang mo, I'm sorry if I wasn't around during those times, if I only knew I would go right away!!' Hindi ako sumagot hindi ko siya tinitignan, Albert Casimiro; "baby?? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko? alam mo ba para ako mababaliw sa malayong lugar sa ginagawa mo??" Ako; "wag na po kayo magpakita sa akin!' Sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana kahit nakasarado naman ito Pero tumutulo na luha ko" Albert Casimiro; "what??? No!! No!! No baby pls!! Kung gusto mo sige wag mo nalang sagutin Ang tawag ko. Basta pupuntahan na lang kita dito Pls baby humarap ka sa akin!! Ashly; "wag po ninyo ako tawagin na baby!" Hikbi na iyak ko habang nagsasalita na alam kong naririnig niya, Naramdaman ko na inalis niya ang seatbelt niya at naramdaman ko ang paglapit niya sa akin, Pilit niya hinarap sng mukha ko sa kanya nagtama ang mata namin, Nakita ko ang pagkagulat sa itsura niya at may naglandas na luha sa mga mata niya. Albert Casimiro; "baby bakit nagka ganyan ka?? Hindi ka ganyan nung huli tayo nagkita!" Patuloy na Sabi niya na umiiyak na din siya, Ako naman lalo ako umiyak sa nakikita kong paghihirap niya, Panay punas niya ng luha ko pero sabi ko nga mukhang marami ako naipon na luha para parusa na din sa sarili ko! Albert; 'baby naman pls wag kana umiyak!" nahihirapan ako sa ginagawa mo" Umiiyak pa rin na sabi niya pilit kong kumawala sa pagkakahawak niya sa mukha ko, Nagtagumpay ako binaling ko ang mukha ko sa ibang direksyon at nagsalita habang panay parin ang hikbi ko. Ako; "Kasi po nung hindi pa kita nakikilala isa lang naman po ako simpleng estudyante, may magulang na nagsisikap para sa akin, sila lang po ang priority ko nuon!! nung makilala po Kita ang saya ko! ang dami po nagbago.. araw araw gumigising ako ng masaya dahil ikaw po ang nasa isip ko!! Halos hindi na ko makahinga sa sobrang sama ng loob habang sinasabi ang lahat ng nararamdaman ko, "Hindi ko po namalayan kasama kana po pala sa mga naging priority ko! Pero ang sakit po pala kung ang kapalit nun ay ang muntikan ng pagkawala po ng mga magulang ko!!" Ayako sabihin sa kanya ang mga ito pero natatakot ako sa pwede pang mangyari kila nanay, tatay, michael at sa kanya, "Pwede po ba gusto ko bumalik sa dati Yung hindi pa po Kita nakikilala? Kasi Ang sakit sakit na e! Hindi ko po alam Kung bakit Ang sakit e!! Sabay lingon ko sa kanya na gulat na gulat sa mga naririnig niya Pulang pula na mga mata niya Ganun din sa akin! Albert Casimiro; "baby anong nangyari? May nangyari ba habang Wala ako??" Umiiyak na pagtatakang tanong niya, Umiling ako na panay pa din Ang tulo ng luha ko, Nagulat ako sa bigla niyang pagyakap sa akin, Halos hindi ako makahinga sa higpit ng pagkakayakap niya, halos paos na ako sa kakaiyak, Narinig ko sa mahina niyang boses na naghalo na sa iyak niya. , Albert Casimiro; '"sige baby hahayaan muna kita, pero aalamin ko Kung bakit ka nagkakaganito! Promise baby maghihintay ako!" Bigla niya ako hinalikan sa labi at naramdaman ko din unti unti nawala sng higpit ng pagkakayakap niya sa akin, Sinamantala ko iyon para makalabas ng sasakyan niya, Sakto pagkasara ko narinig ko ang ilang beses na ingay sa loob, Na para bang sinisira niya ang loob ng sasakyan niya, Tumakbo ako palayo sa sasakyan niya ayuko lumingon.. Natatakot ako na baka bumalik ako sa loob ng sasakyan niya at bawiin lahat ng sinabi ko pag lumingon ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD