hawak kamay

883 Words
Nakapag enroll na kami ni michael sa college, napaghandaan na namin yun bago Ang graduation, soon to follow na lang Ang mga requirements namin, Tinulungan kami ng tatay niya na may kakilala dun Para daw hindi kami malate at pumila, Medyo malayo nga lang sa kabilang bayan pa, Halos lahat ng classmate ko ay duon din mag eenroll nakakatuwa dahil magkikita Kita din pala kami duon, 1month pa para sa pasukan may usapan kami ni michael na pupunta ng mall hindi kalayuan sa bayan para makabili ng uniform, Naalala ko si sir albert nung huling pagkikita namin yung mainit niyang labi nahihiya pa din ako pag naalala ko, Ganun pala pag nakainom mawawala lahat hg hiya at alinlangan mo, Pagkatapos ng halik na yun hinatid na niya ako sa bahay namin, bago ako bumaba nagbilin pa siya na walang hahalik sa akin maliban sa kanya, Tumango ako bilang pagsagot na kinangiti niya, Tatawagan ko Sana si michael nung biglang mag ring Ang cp ko tmalon Ang puso ko sa caller si sir Albert Ako; hello?! Sir Albert; hi baby where are you? Ako; "nasa bahay po" Sir Albert;"may lakad kaba ngayon? Ako; "shmm pupunta po kami ng Mall ni Michael para po tumingin ng uniform" Sir Albert; "Ganun ba? Ok samahan ko na kayo!" Ako; "pero si...?? Bigla ng naputol Ang linya Hayys nahihiya pa din ako humarap sa kanya Hayy bahala na nga bulong ko, Nasa loob na kami ng sasakyan tatlo, tulad ng dati nasa tabi ako ng upuan ni sir Albert. sumisimple sits ng tingin sa akin na kinakailang ko Naman Si michael Naman na Puro kwento na sinasagot ko na lang pag nagtatanong, Nasa loob na kami ng Mall minsan nauuna maglakad si Michael pag may hinanap o tinitignan na isang bagay, Ako naman susunod lang nagulat ako habang busy si michael sa pagtingin ng pantalon may humawak sa kamay ko, Nagulat ako pagtingin ko si sir albert pero hindi siya sa akin nakatingin, May tinitignan din ito na nakadisplay sa isang estante, Kinabahan ako Kasi baka makita kami ni Michael Sinubukan ko tangalin yun pero humigpit pa lalo ang hawak niya, Paglabas ni Michael sa isang store natakot ako bigla baka Kasi makita Niya uung kamay namin, Pero bago nangyari yun naitago ng pasimple ni sir albert Yung kamay namin sa gilid niya na para hindi mapansin ni michael, Siguro alam niya na kinakabahan ako Pero wala siya nagawa nung hinila ako ni Michael para makapamali ng uniform, Nag aya si sir Albert kumain, Sa isang restaurant dapat kami kakain pero wala kami maupuan, Nakita ni Michael Ang isang gotohan yun na lang ang tinuro niya, sosyal na gotohan pala ito, Pumasuk kami at si sir albert ang nagprisinta na umorder, Nagkakatawanan kami ni michael nung umupo sa tabi ko si sir albert dala Ang unang tray na order Niya at kasunod nito ang waiter na may dala din na tray, Nagulat kami ni michael Ang dami niyang order hinde goto ang inorder niiya Puro mga mamahalin na pagkain, Merun pala dito nun At hindi nakaligtas sa paningin ko Ang dalawang nilaga na itlog na nilagay niya sa harap namin dalawa, Na kinataas ng kilay ni michael dahil nasa harapan lang namin ito nailang tuloy ako Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nung kinuha niya yung cp niya at nagpipindot dun. Bago Niya naibalik sa bulsa niya nag vibrate Naman angg cp ko tinignan ko Kung sino ang nagtx, Hindi ko alam Kung kikiligin ako o matatawa sa nabasa ko, Albert Casimiro; "baby Ang tagal mo naman ibigay yung puting itlog sakin, Pagkabasa ko namula ako na binalik yung cp sa bulsa ko, Maya maya kahit nahihiya lasi nanduon si Michael harapan namin Kinuha ko yung dalawang itlog at binalatan ko Pinaghiwalay ko yung Puti at dilaw, Gamit Ang kutsara nilagay ko sa pinggan ni sir Albert Ang puting itlog At yung pula sa pinggan ko, Ang ganda ng ngiti niya para bang malaking bagay na sa kanya Yung ginawa ko sabay Sabi ng. " thank you!" na nginitian ko lang, Muntik pa ko mabilaukan ng napatingin ako Kay michael na nasa harapan lang namin, Nakanganga ito yung kutsara parang nabitin pa sa pagpasok sa bibig Niya, Napansin niya na nakatingin ako sa kanya at tinaasan lang ako ng kilay, Ewan ko ba pagkasama ko si sir Albert nawawala ako sa sarili at nakakalimutan ko may kasama ako bukod sa kanya, Pagkatapos namin kumain naglibot pa kami sa mal tulad ng dati pag hindi nakatingin si michael o hindi sinasadyang nalalayo sa amin hinahawakan ni sir albert Ang kamay ko, na pilit ko inaalis pag nandyan na si michael, hangang sa pag uwe ganun Ang nangyari taguan ng hawak kamay.. Pagkahatid sa amin ni sir Albert sa kanto namin nauna bumaba ang bestfriend ko, nag thank you ako sa kanya at bago ko nabuksan Ang pinto ng sasakyan, Hinila niya ako na kinagulat ko at dinampian ng halik sa buhok at bumulong, "Sana dumating na yung panahon na hahawakan ko Ang kamay mo ng hindi patago!" Pagkababa ko ng sasakyan mga mata ng bestfriend ko ang sumalubong sa akin na puno ng katanungan, Pero hindi naman siya nagtanong alam ko na hinihintay lang niya na magsalita ako, Pero sa tamang panahon na lang Basta Ang mahalaga masaya ako..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD