happy birthday

932 Words
Nasa kwarto kami ni Michael habang inaayusan Niya ako, "Bez kailangan paba ito!? Kakanta lang Naman ako Diba?!" Pagtatanong ko sa kanya.. At iyang damit? Nguso ko sa damit na nasa ibabaw ng kama ko.. black dress ito na plain na spaghetti strap lagpas ng konti siguro sa tuhod ko.. "saan mo Naman yan nahiram ahh?? Curious na tanong ko dito habang kinukulot Niya Ang buhok ko sa dulo.. "Ayy naku hindi ko iyan hiniram noh! Binili yan ni sir Aldrin para sayo, para Naman daw komportable ka sa birthday ng kuya Niya!!' Kinikilig na wika nito. Nakasakay na kami sa trysicle sa ikatlong kanto na lang daw kami magkikita ni sir Aldrin dahil baka daw may Makakita at makarating pa Kay kapitan, at baka daw malaman ng kuya Niya.. pagkababa namin isang red na sasakyan Ang nakita namin agad lumabas dun si sir Aldrin, Nakangiti siyang lumapit sa amin.. 'Thank you Ashley! For my brother's happiness!! Nakangiting Sabi Niya, "Wala po yun sir Aldwin! Nahihiya lang po talaga ako,, sagot ko Naman.. Kalahating oras Ang tinakbo ng biyahe namin ng makarating kami sa isang malaking bahay kulay silver ito na may dalawang palapag.. sa likod kami dumaan, pagpasuk ng kotse Niya lumabas na kami at pumasuk Naman kami sa hula ko ay kusina.. dinala Niya kami sa isang guest room, 'Dito lang muna kayo ha?! May aasikasuhin lang ako sa labas"! Sabi Niya bago lumabas ng room, Tumango lang ako.. nasa malalim ako na pag iisip ng magsalita si Michael, "Eeeeee bez grabe Ang yaman pala talaga ni governor ano?!! Ang laki ng bahay Nila!!" Pinutol ko na Ang iba pa Sana niyang sasabihin ng magsalita ako.. "bez! Kinakabahan ako natatakot ako baka magkamali ako!! Natatakot ako sa sasabihin ng mga Tao baka pagtawanan Nila ako!" Malungkot na salita ko..lumapit siya sa akin at hinawakan Ang kamay ko.. "Bez tumingin ka sa mata ko!! Lam mo bez magaling ka, lagi mo Kasi iniisip Ang sasabihin ng mga Tao sa paligid mo, kaya iniisip mo magkakamali ka!Diba nagawa mu na nga?" "Oo nga bez! Kasi nung una si Nanay iniisip ko nun nung pagkanta ko,, at nung sa Fiesta, kayo Nila tatay at nanay nandun Diba??" "Hmmm..parang hinde Naman bez!? Kasi hangang matapos mo Ang kanta iisang mata lang tinitigan mo!" Panunukso Niya sa akin na kinapula ng mukha ko,, ganun ba talaga nangyari nun?! Tanong ko sa sarili ko.. "Ok sige bez ako na bahala! Basta relax ka lang! Isipin mo nung fiesta Kung paanong hindi ka nagkamali ganon din Ang gawin mo ok?! Pak!!" Umalis siya sa tabi ko at kinuha Ang cp Niya sa bulsa ng pantalon Niya at lumayo ng konti sa akin, at naging busy na cp Niya.. Mga dalawang oras siguro kami nagatagal sa kwarto nang pumasok ulit si sir Aldwin.. 'Ok tara na?" Pagtatanong Niya, Ashley? Lingon Niya sa akin mamaya habang nasa harapan ka nila para mawala Ang agam agam mo, sundan mo ng mata mo Yung ilaw at dadalhin ka ng paningin mo sa isang Tao lang Maasahan ko ba yun?! Ngiting tanong Niya sa akin.. Tumango ako bilang pagsang ayon.. Ok good!! Sagot pa Niya.. Habang papalapit kami marami ako narinig na mag nag uusap, base sa mga salita Nila, masasabi kong mga may sinasabi sa buhay. . iniwanan Nila ako sa isang pinto, at nagdilim Ang paligid at hinde ko Makita Kung may mga tao, nang biglang may nagsalita sa tabi ko,, "sshley maiwan kana namin dito,, tulad ng sinabi ko kanina. Sundan mo lang ng mata mo Ang isang maliit na ilaw habang kumakanta diyan.. relax kaya mu yan!' Rinig ko na boses ni sir Aldrin,, Maya maya may isang maliit nga na ilaw Ang nagbukas,, pero sa maliit na ilaw na yun ay hindi naitago Ang ilang Tao na nakaupo sa mga mesa, Ang iba ay nakatayo habang may hawak na baso na hula ko ay wine.. lahat sa akin sila nakatingin,, dahil bahagya din nagliwanag Ang kinatatayuan ko na kanina ay madilim, unti unti na tumutugtog Ang kantang napili ko.. binilin ko yun Kay Aldwin kanina,, at napangiti siya sa kantang sinabe ko.. Hangang sa Ang isang liwanag na maliit ay lumakad palayo sa akin, sinundan ko Ang direksyon nito, huminto ito sa isang lalaking nakatayo na hindi gaanong kalayuan sa harapan ko. Nakasandal ito sa isang malaki na puno habang nakapamulsa sa suot Niya na slack na itim.. hinde ko ma idiscribe Ang suot Niya dahil ayaw ng umalis ng mata ko sa mata Niya,, heto na Naman ako nahipnotismo na Naman sa mata Niya,, Nag umpisa na Ako kumanta na hindi humihiwalay na tingin sa kanya.. =Falling in love= Ang aawitin ko.. You and me we got along just fine But deep inside I know there is more Right next to you I know you're the right one.. Can't fight this feeling I'm taking chances now.. In my heart I feel that this is something real.. I don't wanna let this moment go Why, o why do I feel this way When I'm with you I feel so alive.. Napapikit na kanta ko.. Why, oh, why will I hide away I can't help it, I'm falling in love With you..... Saktong pagmulat ng mata ko sa huling bigkas ko sa kanta ko, na nakatingin pa dn ako sa kanya.. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa unang pagkakataon nginitian Niya ako.. kasamang ngumingiti Ang mata Niya,, dahil sa kantang to at dahil sa lalaking nasa harapan ko. Ngayun ko masasabing I'm falling in love with you Albert Casimiro!!! Bulong ng puso ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD