MATINDING PAG-AALALA ang naramdaman ni Aurora nang hindi niya madatnan ang mga anak niya sa kanilang bahay. Pinuntahan niya ang kwarto, ang kusina pati na sa labas ng bahay baka naroon ang mga ito at naglalaro pero wala ang mga ito. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Gabi na. Ginabi na siya dahil marami pa siyang naging trabaho sa hospital. Nagsimula ng tumulo ang luha niya. Saan naman niya hahanapin ang mga anak niya? Magpapatulong na lang siya. Nang maalala naman niya si Gianna. Mabilis niyang kinuha ang calling card na ibinigay nito sa kaniya noong nagkita sila sa supermarket. Hindi niya ito kilala at hindi pa sila nagkakausap ng maayos pero wala na siyang pagpipilian dahil nag-aalala siya para sa mga anak niya. She dialed the number on the calling card. After three rings, Gianna picked