HUMINGA ng malalim si Serenity. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso. Mabilis ang t***k ng kaniyang puso habang iniisip ang mangyayari sa wedding night nila ni Connor. Ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Though they are soulmate, she can't help but to feel nervous. Napasuklay siya sa sarili niyang buhok at napatingin sa sarili sa salamin. Napahawak siya sa kaniyang mukha nang makitang namumula ang pisngi niya. "Argh!" She closed her eyes. She inhaled and exhaled. Nang medyo kumalma na ang puso niya, nagmulat siya ng mata at inayos ang suot niyang white bathrobe. Binuksan niya ang pinto at sumilip sa loob ng kwarto nila ni Connor. Yep, lumipat na siya sa kwarto nito. Nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kama habang nakasandal sa headboard, nakapatong ang laptop sa hita nito, and h