FIFTY-THREE

1960 Words

“Okay, let me shake this bowl thoroughly,” sabi ni Mr. Sarte at inalog nga nang mabuti ang hawak na fishing bowl.     “Sana po hindi ako mabunot. Parang awa ninyo na po, hindi po ako handa. Ang aking makinis at mamula-mulang mukha ay hindi pwedeng masugatan. Ang balingkinitan ko pong katawan ay hindi pwedeng mabalian. Amen,” mahinang usal ni Ymar.     Kanina pa siya bumubulong sa tabi ko. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito nang mapagtanto kung ano ang sinasabi niya. Akala ko nga kanina ay nag-oorasyon na siya rito nang wala sa oras.     “‘Wag mo lang akong tingnan, boss. Sabayan mo ako sa pagdadasal,” sabi niya sa akin at muling pumikit.     “Alam mo, kakaganiyan mo, isa ka talaga sa mapipili,” biro ko sa kaniya.     Agad naman siyang nagmulat at pinanlakihan ako ng mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD