EIGHT

2417 Words
Nag-umpisa ako sa trabaho ngayong araw rin tutal naman ay mamayang hapon pa ang pasok ko. Ang sabi ni Nanay Siling, iyong babaeng nakausap ko kanina, kahit anong oras ay pwede naman akong magtrabaho rito sa canteen dahil ayon sa kaniya ay naiintindihan naman niya dahil alam niyang pumapasok din ako sa klase. Pero nagplano na ako na sa umaga, bago ang lunchbreak ay du-duty ako. Sa hapon naman ay pagkatapos ng klase ay sa canteen ang diretso ko.     Maya-maya lang ay nagsi-datingan na rin ang mga estudyante, mabuti na lang at tapos na akong maglampaso ng sahig. Kahit na malaki ang lugar na ito ay hindi naman ako nahirapan dahil halos kalahati na lang naman ang nalinis ko. May staff si Nanay Siling na nauna nang maglinis, siguro bukas ay ako na ang lahat ng gagawa nito. Unti-unti ay napupuno na ang canteen. Nandito ako sa loob at naghihintay ng maaari nilang iutos. Marami rin palang staff na nandito, ang iba ay working student din.     “Alice, mamaya pagdating noong tatlong clan ay tulungan mo si Luna at Yulo na dalhin ang pagkain sa kanilang mesa,” saad ni Nanay Siling.     Tumango ako kahit na hindi na niya nakita iyon. Abala siya sa pagmamando sa iba pa kung ano ang mga dapat gawin. Samantalang ako ay hindi ko na alam ang gagawin ko, tapos na ako sa paglalampaso at sabi rin nila ay mamaya ako babalik doon para i-check kung may kailangan punasan kapag lahat ay nakahanap na ng pwesto. Nagtataka na rin ako sa tatlong clan na sinasabi niya. Ano kaya iyon?     “Madrigal, Salvador, at Gomez ang tatlong clan na tinutukoy ni Nanay Siling.” Napatingin ako kay Luna na siyang nagsalita.     Hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa akin. Luna is one of the working students here in Gokudo. Sa kaunting oras na inilagi ko rito ay nakipagkilala naman ang iba sa akin. Walang kangiti-ngiti ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin ngunit hindi ko naman maseryoso iyon sa tuwing nakikita ko ang buhok niyang nakataas sa dalawa.     “Para kasing walang kaalam-alam iyang ekspresyon mo sa mukha,” saad pa niya bago muling nagpatuloy. “They are like the VIP here. Kung ang iba ay self-service, sila ay kailangan mong pagsilbihan. Kapag nandiyan na sila, hindi na pwedeng mag-ingay katulad ng ginagawa ng mga estudyante ngayon.”     Sumilip siya sa labas at ganoon din ang ginawa ko. Kung tutuusin ay daig pa nito ang palengke sa sobrang ingay at ang paroon at parito ng mga estudyante. Hindi ba nila kayang kumain nang nakapirmi lang sa isang tabi.     “Teka nga, bakit ba hindi mo sila kilala? Kahit na bagong estudyante ka lang ay kilala sila ng lahat kahit na iyong hindi mga nag-aaral dito. They were known all over the world. Saang lupalop ka ba ng mundo galing?” aniya na nakakunot ang noo.     Pwes, hindi lahat dahil hindi ko sila kilala.     “Hindi naman ako mahilig makibalita sa kahit na ano,” sagot ko na lang. Required ba na kilalanin ko sila?     “Ang weird mo. Tapos nagtatrabaho ka rito kahit na mukhang hindi ka naman sanay sa mabibigat na gawain. Anong trip mo sa buhay?” sabi pa niya.     Ano ba naman ‘tong si Luna? Magkadugo ba sila ni Nanay Siling at pareho sila ng mga napapansin na hindi naman totoo. Mukha ba akong may pambili? Kupas na nga itong pantalon ko at plain black shirt lang ang suot ko. Walang espesyal dito para sa mga bagay na pinapansin pa nila.     “Wala nga akong pambili ng bigas. At saka, magiging iskolar ba ako kung mayaman ako?” balik na tanong ko. Bahala kayong maguluhan diyan.     “Sa bagay nga naman, pero ang weird talaga!” bulalas niya. Nagulat pa ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko. Inilapit pa niya ang sarili sa akin. Mabilis ko naman siyang itinulak. Nangungunot ang kaniyang noo.     “Tingnan mo, o! Ang kinis-kinis ng mukha mo, walang pores. Hindi oily, hindi rin dry! Ang pula-pula pa ng labi mo kahit na wala namang lipstick na nilagay. Wala ring tutchang at split ends ang buhok mo. Mukha kang manika! Ang ganda-ganda mo! Tapos itong kamay mo…” Hinablot niya ang kamay ko at pinisil-pisil iyon. “Ang lambot din. Ang nipis! Niloloko mo ba kami? Baka naman prinsesa ka na nagpapanggap na mahirap!” saad niya.     Hindi ko halos masundan ang mga sinasabi niya sa sobrang bilis at sa dami noon. Daig pa niya iyong nagra-rap. Baka bukod dito ay part-time rapper din siya?     “Masiyado kang naniniwala sa fairytales, Luna! Walang ganoon.” Napahalakhak na lang ako.     Ang layo na ng nararating ng utak niya. Akala ko ba ay iyong tatlong clans lang ang pinag-uusapan namin, bakit napunta rito? At saka, akala ko seryoso siyang tao pero habang tinitingnan ko siya ay para akong nakikipag-usap sa isang elementary student na naha-hyper sa mga bagay na akala niya ay totoo. Ang daldal din niya! Akala ko ay makakatagpo na ako ng tahimik din pero mukhang malabo iyon sa school na ito.     “Hoy, Luna! Bitawan mo nga si Alice. Natitibo ka na naman!” sigaw ni Yulo na nagpatingin sa amin sa gawi niya. Si Yulo ay pamangkin ni Nanay Siling. Huminto siya sa pag-aaral para tulungan ang kaniyang tiyahin. May hawak siyang sandok na umaambang ihahampas sa ere.     “Nandiyan na iyong tatlong clan, bilisan ninyo at magsi-serve na tayo,” wika pa niya at tinalikuran na kami.     “Oh, siya! Mamaya na nga ulit! Basta malalaman ko rin ‘yan! Malakas ang kutob kong anak-mayaman ka talaga. Hindi ko igi-give up iyon!” Kinindatan niya ako bago hinila patungo sa mga pagkain na dadalhin namin sa labas.     Napailing na lang ako. Wala naman siyang kailangang malaman dahil walang malalaman. Isinuot ko na lang muli iyong apron na hinubad ko kanina. Isang cart na may laman na maraming plato at kubyertos ang dala ko ngayon. Si Luna ay may tulak din na cart ngunit mga baso at tubig ang naroroon. Kahit si Yulo ay ganoon din ngunit mga putahe at kanin naman ang dala niya. Gaano ba sila karami at tambak ang mga dala namin?     Sumunod lang ako sa kanila at nakakapagtakang noong paglabas namin ay wala akong marinig na nagsasalita kahit na bulungan man lang. Kung kanina ay parang puro mga kulisap na nag-iingay ang mga nandito, ngayon naman ay parang mga santa at santo sa sobrang bait.     “Umuna ka, Alice, dahil nasa ‘yo ang mga plato.” Narinig kong bulong ni Yulo.     What? Hindi ko nga alam kung saan ito dadalhin. Balak ko lang sumunod sa kanila.     “Iyong tatlong lamesa na nasa gitna. Sila ang pagsisilbihan natin,” bulong naman ni Luna.     Tumingin ako roon at nakita nga ang tatlong magkakahiwalay na mesa na mayroon nang mga nakapwesto na kanina lang ay bakante pa. Mabilis kong binilang ang mga nandoon. Sa gitna ay may tatlong katao, sa magkabilang gilid nito ay mayroon namang tig-limang estudyante. Grupo-grupo rin pala rito.     “At parang-awa mo na. ‘Wag kang papalpak.” Pahabol pa ni Luna.     Tumango na lang ako at nauna nang maglakad. Bakit naman papalpak pa? Magsi-serve lang naman. Tanging gulong lang ng mga itinutulak naming food cart ang maririnig sa loob. Habang papalapit doon ay naririnig ko na ang mahihinang bulungan ng mga nakaupo rito. Nagpasya akong iyong unang mesang sasapitin ang aking pagsisilbihan. Binubuo ito ng limang grupo at napansin ko ang isang pamilyar na mukha roon.     “Naghahamon ang Eye-patch. Mamayang alas-singko raw sa lumang bodega.” Isang boses iyon ng babae na nagmumula sa grupong aking pinuntahan.     “Let’s don’t waste our time with those low-life creatures,” baritonong saad naman ng isang lalaki.     Iyon lang ang naging pag-uusap nila at nawala na. Nag-umpisa akong maglagay ng mga plato at kubyertos. Kasunod ko naman iyong dalawa na nag-uumpisa na ring maglagay ng ulam at inumin. Panghuling plato na sana ang ilalagay ko nang biglang may magsalita.     “It’s nice to see you again, miss.” Napatunghay ako at bumungad sa akin ang pamilyar na mukha noong lalaking nakita ko sa hallway ng Forbidden.     Nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Nakita ko ang kakaibang kislap sa kaniyang mata. Nagbaba ako ng tingin at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. Wala akong balak makipag-usap sa hindi ko kilala. Nararamdaman ko ang pagtingin sa akin ng iba pang mga nandito sa mesa.     “You know her, Kentosh? Who is she?” maarteng saad ng isang babae.     “No. Just some lost kitten.” Napahalakhak iyong lalaki.     Hindi ko na lang iyon pinansin at tumalikod na sa gawi nila. May iba pa akong dapat na pagsilbihan. Sa pangalawang mesa na nasa gitna naman ako pumunta. Dalawang babae ang nandoon at isang lalaki. Noong makita ko ang mukha ng nag-iisang lalaki ay gusto kong umatras pabalik. Ngunit huli na dahil napansin na ako nito. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad doon at mabilis na inilapag ang mga gagamitin nila sa pagkain. Bakit kasi kailangan pa silang pagsilbihan?     “Alice!” Tuwang-tuwang ang mokong. At ang mokong na ito ay si Kulas.     Sinimangutan ko siya ngunit sa halip na sumimangot pabalik sa akin ay mas lalong lumawak ang ngiti sa kaniyang mga labi. Napalingon naman sa akin ang dalawang babae na kasama niya.     “Who is she, Andrew?” tanong noong babaeng blonde. Andrew nga pala ang pangalan nito, pero mas bagay sa kaniya ang Kulas. Tsk.     Mukhang walang balak sumagot ang tinanong niya dahil panay ang pasag ng buntot nito, este kaway ng kamay nito sa akin. Lantaran ko siyang inirapan sa harapan ng mga kasama niya. Feeling close! Baka sabihin ng mga ito ay magkaibigan kami. Mabilis ko ring natapos ang trabaho ko roon. Nakita ko pang tatayo sana siya ngunit mabilis siyang nahila pabalik noong babaeng naka-pixie haircut. Ngayon naman ay sa huling mesa na ako magsi-serve. Salamat naman at matatapos na ako.     “Oh!” Someone clapped his hands when I arrived at the last table.     Kung sinuswerte ka nga naman, oo. Bakit nandito naman sa mesang ito iyong lalaking nagsasalita sa bulwagan kanina? Ano nga ang pangalan nito? Xander? Vander? Islander? Basta may ‘der’ ‘yon! Lahat yata ng mga makaka-ingkwentro ko ay makikita ko rin sa parehong araw. Akala ko naman sa lawak ng university na ito ay hindi ko na sila makikita kahit kailan! At ang magaling pa ay lahat sila kasama sa tinatawag nilang pinakamalalakas na clan. Ang swerte ko, hindi ba? Wala bang sasalo ng kaswertehan diyan?     “You know her, Alexander?” tanong ng nag-iisang babae na kasama nila. Apat na lalaki ang nandito kasama siya.     “No. Nakita ko lang siya kanina sa bulwagan. Wala kasi kayo!” Narinig kong sagot nito.     Lahat yata ng napuntahan kong mesa ay tinanong kung sino ako. Bakit kasi pinapansin pa nila ako? Pwede namang umakto na hindi kami magkakakilala, dahil hindi naman talaga. Hindi ko nga sila kinakausap dahil wala akong balak makipag-usap lalo na sa malalaking tao na tulad nila. I want to have a lowkey life here.     Nagpatuloy na lang ako sa paglalagay ng mga kubyertos ngunit agad na nabitin sa ere iyon nang may humawak sa kamay ko. Pakiramdam ko ay ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy ro’n kaya marahas kong naibagsak ang mga kubyertos na nagdulot ng pagkalansing noong tumama ito sa plato.     “I’m sorry.”     Mabilis kong pinulot pabalik iyon at nag-angat ng tingin. At pakiramdam ko ay nanginig ang pagkatao ko ng isang pares ng asul na mga mata ang sumalubong sa akin. Tumaas ang tingin ko sa makakapal niyang kilay na bagay na bagay sa mahahaba niyang pilik-mata. His nose was narrow and perfect on his high cheekbones. His jaw was neat. Nag-iigting ito at sa bawat paglunok na ginagawa niya ay gusto ko ring mapalunok.     What the f-ck, Alice? Did you just check him out?     Napatikhim ako. “I’m sorry.” Ulit ko at umayos ng tayo.     “Hindi rito kumakain si Grey, miss. Pwede mo nang tanggalin ang plato sa harap niya,” saad noong isang lalaki na katabi ni Alexander.     Bahagya akong napatungo. “Sorry po.”       Leche, Alice! Wala ka nang ibang sinabi kung hindi sorry.     Tatanggalin ko na sana ang mga nailagay kong plato at kubyertos nang biglang magsalita ang lalaking nasa tabi ko.     “No. I will eat.” His voice was thick, low, and soothing to the ears. Sa lalim ng boses niya ay halos manginig ang mga tuhod ko.     Tumango na lang ako at ibinalik ang kutsara’t tinidor doon. At gusto kong tampalin ang sariling kamay nang manginig iyon. Gustuhin ko mang magmadali ay ayaw sumunod ng katawan ko dahil nararamdaman ko ang mainit na tingin ng lalaking ito. Ano ang nangyayari?     “Pasensya na uli.” Tumungo ako. At saka lang ako nakahinga ng maluwag nang matapos ako sa ginagawa.     “It’s all right,” mahinang sagot niya na nagpakabog sa dibdib ko.     Hindi maaari, Alice. Tumango na lang ulit ako. Aalis na sana ako nang umalingawngaw ang malakas na boses sa apat na sulok ng canteen.     “Alice, iiwan mo na naman ba ako?” Boses iyon ng lecheng si Kulas, o Andrew.     Halos mapapikit ako nang marinig iyon. Alam kong namumula rin ang mukha ko dahil sa sobrang hiya. Tumingin ako banda sa upuan niya at tumayo pa ito habang kumakaway sa akin.     “Alice? As in Alice in the Wonderland?” Sa kabilang mesa naman nagmumula ang boses na iyon.     “Alice, hi! Hello!” Tuwang-tuwa siya na parang batang kumakaway sa akin.     Nakakainis.     “T-ngina ni Andrew. Parang high lagi!” Narinig kong saad noong isa pang lalaking nandito rin sa mesa.     Sinamaan ko ng tingin ang kumag na hanggang ngayon ay kumakaway pa rin sa akin. Tumalikod na ako sa gawi nila at nagpasyang umalis tutal tapos na naman ako sa trabaho ko. Hindi ko na rin kayang tagalan ang atensyon na ngayon ay nakukuha ko sa halos lahat ng estudyanteng nandito. Ang lakas ng tama ng lalaking iyon. Ano ang trip niya sa buhay na leche siya? Nakakahiya!     “Akala ko ba ay kakain ka, kuya Grey?” ani ng isang boses babae.     “I lost my appetite. Gusto ko na lang manuntok!” Papalayo na ako sa gawi nila nang marinig iyon. At hindi ko alam kung bakit kumakabog ng ganito kabilis at kalakas ang puso ko.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD