Napagdesisyunan ko na sa food court na lang kainin ang biniling pagkain. Gutom na gutom na ako. Ang dapat na almusal ko ay naging tanghalian na. Naubos ang tatlumpung minuto ko dahil sa mga asungot na ‘yon. Dapat ay bumalik na lang sila sa sinapupunan ng mga ina nila. Wala silang ambag sa mundo kung hindi perwisyo. Matapos kumain ay dumiretso ako sa department store. Mukhang kakaunti pa lang ang namimili ngayon. “Good morning, ma’am.” Malaki ang ngiti na sinalubong ako ng isang sales lady. Tinanguan ko lang ito at nagtungo na sa pakay ko. Kumuha lang ako ng isang cart at dumiretso na sa kid’s section. Kumpleto na ang mga gamit rito, may mga pambabae at panlalaking damit, iba’t-ibang laruan na sigurado akong magugustuhan nila. Those kids are appreciative. Kahit naman an

