Habang naglalakad sa hallway ng Killhouse ay nagpupuyos din ang damdamin ko. Wala akong pakialam kung magalit siya at mapunta ako sa deathlist ng Presidente ng Gokudo. Someone made an effort, at least, try to be extra nice. “Stop talking like you are the nicest person, Alice!” saad ng utak ko na lagi na lang kumukontra sa akin. Kapag naiinis ako ay hindi maiiwasan na pati sarili ko ay kinakausap ko na. It may sound funny but it’s true. Siguro naman ay hindi lang ako ang ganoon. Hahanap ako ng karamay. Hindi pa ako nakakalayo sa opisina nang marinig ko ang nagmamadaling mga yabag na nagmumula sa likuran ko. Noong lingunin ko iyon ay nakita ko kung paano ang malalaking hakbang na ginagawa ni Lorcan, na unti-unti lang bumagal nang makita akong nililingon siya. Huminto la

