Halo-halo ang emosyong mababakas sa kanilang mga mukha – pagkagulat, pagkamangha, at higit sa lahat ay takot. Hindi nila nagawang itago ang takot sa kanilang mga mata pero gayunpaman ay hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Tumalikod na ako sa gawi nila at mabilis na tinahak ang pinto. Hawak ko na ang seradura at pipihitin na lang iyon nang mayroon nang magbukas nito para sa akin. Pwersado ang naging pagkakabukas nito, mabuti na lang at naihakbang ko agad ang paa palayo. Ang kaninang tahimik na opisina ay mas lalo yatang tumahimik nang magpakita ang bagong dating. Napako ako sa kinatatayuan nang makita ang humahangos na presidente ng student council. May pagmamadali sa itsura ni Lorcan na akala mo ay mula pa sa matagal na pagtakbo. Kahit ito ay natigilan nang makita ako. Kanina ay

