“Ang aga mo naman, Alice. Wala kang klase ngayong umaga?” Iyon agad ang naging bungad sa akin ni Nanay Siling. Paano ko sasabihin sa kaniya na mayroon akong klase pero gusto kong mag-duty ng maaga para makatakas mamaya? “Wala po,” sagot ko. “O, mabuti naman kung ganoon. Magtatrabaho ka na ba, ineng?” tanong niya ulit. Tumango ako at tipid na ngumiti sa kaniya. Nagpaalam na ako at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng walis at floor mop. Nandito na rin si Yulo na pamangkin ni Nanay Siling. Ito ang nagbubuhat ng mga upuan at inilalagay sa ibabaw ng mesa. May ilan na ring nagluluto sa loob. Tatapusin ko agad ang trabaho ko rito sa labas para mamaya ay uunahan ko sila roon sa loob. Bahala na kung sino ang maagawan ko ng gagawin ‘wag lang akong dumuty rito sa labas

