Nakalabas na ako ng sasakyan ni Lorcan at isang hakbang pa lang ang nagagawa ko noong biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang at bukas na rin ang payong ko dahil inihanda ko na iyon kanina bago pa ako bumaba dahil umaambon na rin noon. This is bad! D-mn! Napalingon ako nang mayroong sumigaw. Nakabukas ang bintana ng sasakyan at nakasungaw ro’n si Lorcan. “Go inside, baby. Mababasa ka. Uuwi na rin ako. Good night. Please dream of me,” sigaw niya. Kailangan niyang laksan ang boses dahil sa lakas ng ulan. Nakuha pa niyang ngumisi pagkatapos sabihin iyon. Basang-basa na ang sapatos ko at nababasa na rin ang bag ko sa likuran. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang mapansing wala akong planong magpatuloy sa paglalakad. Humugot ako ng malalim na

