ALEX TILA yata talagang nasisiraan na ako ng bait. Dahil sa halip na umalis ay mas pinili kong manatili. Kung para saan ay hindi ko rin sigurado. Nanatiling nakasunod ang aking mga mata sa bawat kilos ng dalawa. Hangga't maaari ay ayaw kong gumawa ng eksena sa mga oras na 'yon. Kahit papaano ay nakakagaan ng aking loob na hindi ako nag-iisa sa gabing 'yon. Thanos has been nothing but a great companion. Hindi ko man alam ang tunay na rason kung bakit s'ya nandito, malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil narito s'ya kasama ko at hindi umalis sa aking tabi. Napabuntonghininga na lamang ako sa tiningnan ang baso ng wine sa aking kamay. Pinaikot-ikot ko ang laman noon sa loob habang malalim na nag-iisip. Maya-maya pa ay inisang lagok ko ang laman noong wine. “Hey! May balak ka bang magpakalu